Pag-e-edit ng teksto
Maaari kang pumili, mag-cut, kumopya at mag-paste ng teksto habang nagsusulat ka.
Maa-access mo ang mga opsyon sa pag-e-edit sa pamamagitan ng pagtapik sa
ipinasok na teksto nang dalawang beses. Magiging available ang mga opsyon sa pag-e-
edit sa pamamagitan ng isang application bar.
Bar ng pag-e-edit ng teksto
Pagkatapos pumili ng teksto sa pamamagitan ng pagtapik nang dalawang beses sa
isang salita, may lalabas na bar ng pag-e-edit na may ilang mga tool na available:
•
Kunin
•
Kopyahin
•
I-paste
•
Ibahagi
•
Piliin lahat
•
Tulong
Lalabas lang ang opsyong
I-paste kapag mayroon kang teksto na naka-save sa clipboard.
Upang pumili ng text
1
Mag-double-tap ng salita upang i-highlight ito.
2
Maaari mong i-drag ang mga tab sa parehong gilid ng naka-highlight na salita
upang pumili ng higit pang text.
Upang mag-edit ng text
1
Tapikin nang dalawang beses ang isang salita upang lumabas ang application bar.
2
Piliin ang text na gusto mong i-edit, pagkatapos ay gamitin ang application bar
upang gawin ang mga gusto mong pagbabago.
Upang gamitin ang magnifier
•
Kapag nagpapasok ka ng teksto, tapikin at i-hold ang field ng teksto upang
tingnan ang teksto na pinalaki at upang ilagay ang cursor kung saan mo ninanais
sa loob ng field ng teksto.
72
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.