Paglalagay
Mga nano SIM card lang ang sinusuportahan ng iyong device. Ang nano SIM card at ang
memory card ay may magkahiwalay na slot sa iisang holder. Tiyaking hindi mo
napagbabaligtad ang dalawa.
Para maiwasan ang pagkawala ng data, siguraduhing na-off mo ang iyong device o na-
unmount mo ang memory card bago mo hilahin palabas ang holder upang alisin ang nano SIM
card o memory card mula sa device.
7
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para maglagay ng nano SIM card at memory card
Huwag gupitin ang iyong SIM card, halimbawa gamit ang isang blade o gunting, dahil maaari
nitong masira ang iyong device.
1
Gamit ang iyong kuko, hilahin palabas ang lalagyan ng nano SIM card.
2
Ilagay nang maayos ang SIM card sa tamang oryentasyon tulad ng ipinapakita sa
larawan.
3
Ilagay ang memory card sa tamang oryentasyon sa lalagyan nito tulad ng
ipinapakita sa larawan.
4
Dahan-dahang itulak ang tray pabalik sa slot hanggang sa kumasya ito rito.
Para alisin ang nano SIM card
1
Nang nakaharap pababa ang screen, hilahin palabas ang lalagyan ng nano SIM
card gamit ang iyong daliri.
2
Alisin ang nano SIM card, pagkatapos ay dahan-dahang itulak ang lalagyan
pabalik sa slot hanggang sa kumasya ito rito.
Para magtanggal ng memory card
1
I-off ang iyong device.
2
Habang nakaharap sa ibaba ang device, buksan ang takip para lalagyan ng nano
SIM card.
3
Dahan-dahang alisin ang memory card, pagkatapos ay dahan-dahang itulak ang
lalagyan pabalik sa slot hanggang sa kumasya ito rito.